BO-KAAP, CAPE TOWN
Ang Bo-kaap ay nakatayo sa libis ng Signal Hill sa ibabaw ng isang city center, ito ay isa sa mga pinaka-matanda at pinakaakit-akit na kabahayan sa lungsod ng Timog Aprika na matatagpuan din sa Cape Town. Ang lugar ay nailalarawan na pinaka-makulay at romantikong kabahayan mula pa noong ika - 18 na siglo. Ang mga naninirahang residente sa lugar na ito ay dating mga alipin na inangkat mula sa Dutch from Malaysia, Indonesia, India, Sri Lanka at iba't iba pang bansa sa Aprika sa panahon ng ika - 16 at ika - 17 na siglo. Ang mga alipin na dito ay tinatawag noon na mga "Cape Malays", kahit na hindi sila lahat may lahing Malaysian.
Ang Bo-kaap ay ang makukulay na kabahayan na sikat na pino-post sa mga social medias tulad ng Instagram, Pinterest, Tumblr atbp. Ito ay bahay para sa mga mosques, spice shops, at mga normal na tao na may pinaka-makukulay na bahay sa Cape Town.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento