CAPE OF GOOD HOPE
Ang Cape of Good Hope ay isang mabatong imus sa baybaying Atlantic ng Cape Peninsula, Timog Aprika. May isang hindi pagkakaintindihan tungkol dito, sinasabi dati na ang Cape of Good Hope ay ang naghihiwalay sa Atlantic at Indian oceans, at ito ang dulo ng Africa. Ngunit ang totoo ay ang dulo ng Aprika ay ang Cape Agulhas na may 150 kilometro papunta sa silangan-timog silangan.
Ang pinakamagandang gawin sa Cape of Good Hope ay i-enjoy ang natural na kagandahan ng lugar. Marami din sa lugar ang mga kakaibang mga hayop at halaman na dito mo lamang matatagpuan. Magandang pwesto din dito ang panonood ng mga balyena sa tuwing buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
May lighthouse din dito na maaari mong akyatin para sa mas magandang tanawin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento