ANG KAGANDAHAN NG APRIKA

Miyerkules, Enero 11, 2017


Ang Aprika ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika. 
Ang Aprika ay isa sa pinakamagandang kontinente sa mundong ito, ang mga pinakahanga - hangang tanawin na matatagpuan dito ay hindi lang maganda sa ating paningin pati na din sa ating isip at kaluluwa.

Ayon nga sa aking nakapanayam na naka-punta na sa Aprika, Si Lorna,  manghang - mangha daw siya nang una niyang bisita doon, maraming mga lugar ang napuntahan niya at nahirapan daw siya pumili ng kanyang paborito pero ang pinaka nagustuhan daw niya ay ang Cape Town.
Maraming mga magagandang lugar na maaaring mapuntahan sa Aprika, ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

CAPE TOWN, TIMOG APRIKA




CAPE TOWN, TIMOG APRIKA

Ang Cape Town ay isang baybaying siyudad na matatagpuan sa Timog Aprika. Ito ay pumapangalawa sa pinaka-mataong urban na lugar sa Timog Aprika sunod sa Johannesburg.
Ang lugar na ito ay naglalaman ng maraming magagandang tanawin. Ang Cape Town ay dinarayo ng maraming mga turista dahil sa sikat ito sa harbours, natural na ganda ng Cape Floristic Region, at pati na rin ang sikat na landmarks ng Table Mountain at Cape Point.
Ito ay isa sa pinaka-maganda at pinaka-kakaibang kulturang siyudad na iyong mabibisita sa iyong buhay. Ayon sa aking nakalap na impormasyon tungkol sa pagbisita nila sa Cape Town, ang lugar na ito ay tunay na nakaka-akit sapagkat napaka-daming lugar na maaari mong mapuntahan.

Base nga sa nabasa ko tungkol sa pag - bisita nila sa Cape Town ay namangha sila ng totoo at hindi maka - paniwala sa ganda ng lugar.

TABLE MOUNTAIN



TABLE MOUNTAIN

Ang Table Mountain ay matatagpuan sa Cape Town. Ito ang nararapat na una mong mapuntahan kung bibisita ka sa Cape Town. Ito ay natatabunan ng mga makakapal na ulap — tinatawag ng mga tao dito ito na The Tablecloth  — at walang kang mapapala dito kung ganoon sapagkat wala kang makikita. Kaya’t kung alam mong magiging maganda ang panahon sa araw na iyon (hindi maulap), pumunta ka na agad sa Table Mountain!
Upang makarating ka sa pinakataas, sasakay ka sa isang cable car at nang makarating ka sa tuktok ay marami kang masisilayan na mga nakakatindig - balahibong  mga tanawin at natural na kagandahan. Maaari kang kumuha ng mga litrato dito kaya’t siguraduhin mo na ang pipiliin mong damit ay ang pinaka-gusto mo!
May mga hayop at mga halaman din dito na maaaring bago sa iyong paningin at maaari mo silang kuhanan ng litrato. Tandaan lang natin na respetuhin sila at huwag hahawakan o guluhin.
Paalala lang na ang pinakamagandang view sa Table Mountain ay masisilayan tuwing tanghali.


BO-KAAP, CAPE TOWN











BO-KAAP, CAPE TOWN
Ang Bo-kaap ay nakatayo sa libis ng Signal Hill sa ibabaw ng isang city center, ito ay isa sa mga pinaka-matanda at pinakaakit-akit na kabahayan sa lungsod ng Timog Aprika na matatagpuan din sa Cape Town. Ang lugar ay nailalarawan na pinaka-makulay at romantikong kabahayan mula pa noong ika - 18 na siglo. Ang mga naninirahang residente sa lugar na ito ay dating mga alipin na inangkat mula sa Dutch from Malaysia, Indonesia, India, Sri Lanka at iba't iba pang bansa sa Aprika sa panahon ng ika - 16 at ika - 17 na siglo. Ang mga alipin na dito ay tinatawag noon na mga "Cape Malays", kahit na hindi sila lahat may lahing Malaysian.

Noong tinanong ko ang isang kaibigan na bumisita noon sa Cape Town kung ano ang opinyon niya noong una niyang pag - punta doon, ang sinabi niya sa akin ay " Hindi ko makakalimutan ang African trip namin ng mga ka - office mates ko noon, napakaganda niyang Bo - kaap. Sobrang kulay ng mga kabahayan! Maganda sa mga mahihilig kumuha ng mga litrato tulad ko."

Ang Bo-kaap ay ang makukulay na kabahayan na sikat na pino-post sa mga social medias tulad ng Instagram, Pinterest, Tumblr atbp. Ito ay bahay para sa mga mosques, spice shops, at mga normal na tao na may pinaka-makukulay na bahay sa Cape Town.

CAPE OF GOOD HOPE


CAPE OF GOOD HOPE

Ang Cape of Good Hope ay isang mabatong imus sa baybaying Atlantic ng Cape Peninsula, Timog Aprika. May isang hindi pagkakaintindihan tungkol dito, sinasabi dati na ang Cape of Good Hope ay ang naghihiwalay sa Atlantic at Indian oceans, at ito ang dulo ng Africa. Ngunit ang totoo ay ang dulo ng Aprika ay ang Cape Agulhas na may 150 kilometro papunta sa silangan-timog silangan.
Ang pinakamagandang gawin sa Cape of Good Hope ay i-enjoy ang natural na kagandahan ng lugar. Marami din sa lugar ang mga kakaibang mga hayop at halaman na dito mo lamang matatagpuan. Magandang pwesto din dito ang panonood ng mga balyena sa tuwing buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
May lighthouse din dito na maaari mong akyatin para sa mas magandang tanawin.

SUN CITY, THE PALACE OF THE LOST CITY, TIMOG APRIKA




SUN CITY, THE PALACE OF THE LOST CITY, TIMOG APRIKA


Ang The Palace of the Lost City ay isang engrandeng resort at kasino na nakatayo sa North West Province ng Timog Aprika. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Ilog ng Elands at ng Pilanesberg, dalawang oras na biyahe galing Johannesburg, katabi ng lungsod ng Rustenburg. 

Napakaraming maaaring mapuntahan at magawa sa loob nito. May mga nakatayo ditong madaming resort, golf course, kasino, parke, farm ng iba't ibang mga hayop, mga tore at iba pa. Siguradong hindi ka mababagot sa pag - bisita mo dito dahil sa napakaganda at kapansin-pansin na view dito.

Sinabi nga ng nakapanayam ko na si Lorna, sobra daw siyang natuwa sa pag-punta niya sa lugar na ito. Napaka - dami daw na maaaring malibot at hinding hindi siya naboring dahil bawat sulok ay may mga magagandang tanawin.

TARA NA SA APRIKA


Ang mga ipinakita sa taas ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Aprika. Kung ikaw ay may balak na pumunta sa ibang bansa upang mag-bakasyon at nais mong makalibot sa mga magagandang lugar sa mundo. Halina't bumisita sa Aprika!
 
FREE BLOGGER TEMPLATE BY DESIGNER BLOGS